Walang Summer Metro Manila Film Festival (MMFF) sa taong ito, 2024.
Ayon kay Atty. Romando "Don" Artes, ang Acting Chairman ng MMDA at kasalukuyang Chairman ng MMFF ExeComm, ang MMFF ExeComm ay maglalagay ng pokus sa ika-50 na edisyon ng Metro Manila Film Festival sa Disyembre.
Sa isang media conference noong Enero 9, 2024, Martes, sa New MMDA Bldg., Doña Julia Vargas Avenue, Pasig City, ipinaliwanag ni Atty. Artes, "Ako po ay humihingi ng paumanhin dahil hindi na po kami magsa-Summer, ang Metro Manila Film Festival. Dahil gusto po naming mag-concentrate sa 50th edition natin. Pero marami din naman po tayong activities na naka-lineup."
Binanggit din niya na nag-usap sila ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pangunguna ni Chair Tirso Cruz III. Ang kanilang iniisip ay instead na magkaruon ng Summer MMFF, ay magkaruon ng Pista ng Pelikulang Pilipino upang mapanatili ang momentum.
"At kami po sa MMFF ay nag-offer ng tulong kung sakaling magko-conduct po ang FDCP ng Pista ng Pelikulang Pilipino."
Nitong Enero 10, Martes, naglabas ng opisyal na pahayag ang FDCP ukol sa usapin ng pagbuhay ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa halip ng Summer MMFF.
Komentar :
Post a Comment