EARN PASSIVE INCOME

Wednesday, January 17, 2024

Eric Quizon Opens Up About Past Romance with Aiko Melendez and the Decision to Stay Single

 


MANILA, Philippines — Lumantad si Eric Quizon ukol sa kanyang hindi pag-aasawa sa kasalukuyan, pati na rin ang nakaraang pagiging malapit sa kanya ng isang babae na naging katuwang sa pagganap sa kanilang mga proyekto.

Sa panayam ni Ogie Diaz sa kanyang YouTube channel noong nakaraang linggo, inamin ng aktor na halos sila na ni Aiko Melendez noon.

Ang agwat kasi namin, nine years. Kaya lang naging close kami kasi naging magka-love team kami. Yes, there was a time na parang meron [nang pagtingin]. Nagkita pa kami sa Hong Kong, mga ganyan," kwento niya. "Noon pa 'yon. Tsaka nakita ko lang 'yung age difference namin. Kasi sabi ko, 'Parang pedophile naman ang dating ko.'"

Kung nine years [ang agwat namin], nag-umpisa akong mag-artista 20. Si Aiko nag-umpisang mag-artista 13. So noong mga 22 na ako, 23, saka pa lang siya nag-uumpisa," pag-amin ng aktor.

Aminado ang anak ng "Comedy King" na si Dolphy na may chemistry silang dalawa lalo na noong Dekada '90. Namumura pa raw sila ng mga direktor dahil sa tawanan at harutan sa pagitan ng takes tuwing may pelikula.

Bagama't minsan silang napapahiga nang magkatabi, hindi na raw nila napili pang lagyan ito ng malisya.

Ganoon kami naging ka-close ni Aiko. Kaya din 'yung love team namin, maski malaki 'yung difference noong age namin, nag-work din siya. Una sa lahat, mabuting tao 'yan," dagdag pa niya.

[Mas pinili na lang namin] 'yung friendship.

Ayon pa sa 56-anyos na aktor, na siyang head na ngayon ng pinakabagong talent management arm ng Net 25, nagkaroon naman daw siya ng mga karelasyon noon.

Gayunpaman, wala lang daw talagang nagwo-work dahil hirap siyang may kasama sa bahay. Mas gusto raw kasi niyang napag-iisa.

To be honest it came to a point na I wanted to do surrogacy. Kasi kapag surrogacy iniisip ko less problema, baby lang ang iisipin ko.

Komentar :

ada 0 comments ke “Eric Quizon Opens Up About Past Romance with Aiko Melendez and the Decision to Stay Single”

Post a Comment

 

© 2009 Fresh Template. Powered by Blogger.

Fresh Template by NdyTeeN